Conrad Victorino – Awesome
conradvictorino@conradvictorino.com

"PAANO MO BA TALAGA MALALAMAN KUNG PARA SA'YO ANG ISANG BAGAY?" [3.13.2014]

Namumulot ng barya

Sa lahat ng gumugulo sa isip ko, yan ang pinakamaraming beses kong tinanong sa sarili ko, sa mga tao, sa kalangitan at sa Diyos.
Iba-iba ang mga naging sagot nila. Ang langit ang may pinaka wirdong sagot, nang magtanong ako sakanya, iniyakan lang niya ako. Umulan. Bwiset, nabasa pa nga ako. Lord God, naging makulit ako. Pasensya na. Nagtanong ako ng maraming beses, sumagot Ka ng mas maraming beses. Hindi naman ako nakinig. Nagbulag-bulagan, bingi-bingihan, naging tanga po ako, naging super slow. Yaan niyo po, ngayon medyo naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay kahit pakonti-onti. Opo onti slow parin kaya sa pangalawang pagkakataon, pasensya po.

Isang umaga, patawid ako ng 599 galing Tuazon St., sa gitna ng kalsada..Limang pisong barya ang nakita ko. Tumambay pa ako ng 3...4..5 segundo. Hmmm, nag-isip kung dadamputin ko siya o hindi. Alam mo na??? Pero hindi. Hindi ko dinampot. Bakit? Kasi naisip ko, kailangan ko ba to? Wala na ba talaga akong pera kaya kukunin ko to? Madumi. Wag na nga.

Tumawid na nga ako. Baka kasi masagasaan pa. Pagbukas ko ng gate, bago ako pumasok, napalingon ako patungo sa kinalalagyan ng limang piso.
Dalawang batang estudyante ng hmmm mababang paaralan ang nakita ko. Hawak nila ang barya. TUWANG TUWA!
Sa nakita kong 'yon, AKO ang MAS NATUWA.
Hindi nga para sa akin yun.
Para sa ibang tao.

Pwedeng napaSAAKIN yun diba?
Dahil nakita ko. At ang lapit na sa kamay ko. Aabutin ko nalang oh.

CHOICES.
LIFE IS.

FREEWILL.
ONE OF GOD'S PRECIOUS GIFTS TO US.

Sa lahat pala ng CHOICES na ginawa ko, now I know GOD spoke to me.

How it feels to be an assumera... [3.12.2014]

Asumerang Frog

Let's define it first. In english, a person who ASSUMES thinks that something is true or probably true without knowing that it is true. So in filipino, ang ASSUMERA ay mahilig gumawa ng sarili niyang kuro-kuro at konklusyon. Konklusyon kahit hindi niya naman alam kung totoo. Kamag anak din ng assumera ang ilusyunada at feelingera.

Tingnan natin kung sino ba talaga si assumera sa konsepto ng pag-ibig.

💔 Malikot ang isip niya. Kung saan-saan nakakarating ang utak. Nakakakita siya ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mata. Nakakarinig din siya ng mga kwento na wala naman talagang nagbalita. Grabe din ang imahinasyon niya. Kaya niyang gumawa ng pinakamagandang istorya, possible man o hindi. Sa madaling salita, mapagimbento siya.

💔 Ang mabuti sa pagiging assumera, positibo ang pag-iisip niya. Magaan sakanya ang mga bagay-bagay. Wala siya masyadong bad vibes. Kaya niyang kontrolin ang emosyon niya. Kaya niyang maging masaya kung iispin at dadamdamin niyang masaya siya. Pwede mong sabihing optimistic person, pwede mo ring sabihing isa siyang nilalang na makapal ang muka.

💔 Ang assumera? May pagkamatigas ang ulo niyan. Papaniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan kahit minsan siya nalang ang kaisa-isang naniniwala. Kapag hindi siya nakuntento, gagawa siya ng alyansa, kakaibiganin niya ang mga taong mauuto niya. Maninindigan yan kahit wala na sa lugar.

💔 Hindi na kailangan ng kama, unan, kumot at tulog ng isang assumera para managinip. Isa sa mga talento niya ay ang managinip ng gising. Talento din pala niya ang mag multi-task. Nakikinig kay teacher habang nananaginip ng gising. Nananaginip ng gising habang pinapagalitan ni teacher.

💔 Meron din namang emo moments ang assumera. Kapag nasaktan siya, ibig sabihin sinampal na siya ng totoong buhay. Iyan ang mortal niyang kaaway...ang realidad! Naiiyak siya kapag gumigising siya at narerealize na mas maganda pa ang panaginip niya kaysa tunay na buhay. Masakit sakanya na tanggapin ang katotohanan.

Once in our lives, nag assume tayo. Inumpisahan natin ang ating mga dasal sa salitang SANA. Nagpakagagang managinip. Nakipagtaguan sa katotohanan. Nagilusyon, nagfeeling, nangarap...

O diba you know din how it feels to be an assumera?